El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal

Pinaikli ni Rosario P. Nem Singh

Kagaya ng sinabi ko nang muli kong basahin ang Noli Me Tangere, ang muling pagbabasa ng mga aklat na ito ay para muling alalahanin ang mga nobela na noo’y amin nang pinag-aralan sa eskwela, mga istoryang pawang hindi na gaanong malinaw sa aking ala ala.

Si Simoun, ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Siya ay ang mangangalahas na nagpapanggap na kaibigan ng mga Kastilang may posisyon sa gobyerno at mga kaparian. Siya ay ang nagbagong-anyong si Crisostomo Ibarra, na mula sa nobelang Noli Me Tangere.

Akala ng lahat ay namatay na siya matapos siyang tumalon sa bangka ni Elias. Ang totoo ay siya ay nakaligtas at sinimulan niyang planuhin ang pagsisimula ng rebolusyon ng mga naaping Indiyo.

Habang ang mga mag-aaral, gaya ni Basilio at Isagani naman ay patuloy pa ring ipinaglalaban ang pagpapatayo ng akademya para sa mga Pilipino.

Sa nobelang ito, ang mga Pilipino ay unti unti nang nagigising sa pang-aapi ng mga Kastila. Kaya naman si Simoun ay nakahatak na nang mangilanngilang Pilipino na makakatulong niya sa planong rebolusyon.

Si Basilio ay pumayag na ring sumanib sa kanya dahil sa naiisip niyang wala nang silbi ang buhay nya. Hindi na niya pwedeng matapos ang medisina dahil nakulong na siya at nakalaya lamang sa tulong ni Simoun, at wala na rin ang kasintahan nyang si Juli dahil sa pinagtangkaan ito ng Kura kaya tumalon ito sa bintana ng kumbento.

Sa kasal ng ni Paulita plinanong simulan ni Simoun ang lahat dahil magtitipon-tipon dito ang mga opisyal at mga pari. Sinabi nya kay Basilio ang planong pagpapasabog ng lamparang dala ni Simoun bilang regalo sa kasal. Nabanggit naman ni Basilio kay Isagani ang magaganap dahil sinabihan niya itong huwag lumapit sa bahay na iyon.

Si Isagani ang dating kasintahan ni Paulita. Kaya nang malaman ang planong ito, ninakaw niya ang lampara bago pa man ito sumabog. Tumalon siya sa ilog lulan ang mitsa sana ng pag-aaklas ng mga Pilipino.

Nalaman ng lahat na si Simoun at Crisostomo Ibarra ay iisa dahil sa pirmang iniwan nito. Kaya, sa kalungkutan at pangamba na huhulihin siya, mas ninais na laman ni Simoun na uminom ng lason para maibaon na rin nya sa kanyang kamatayan ang mga planong pawang hindi naisakatuparan.

Paboritong linya mula sa Nobela;

“Para kay Don Custodio, dalawang klase lang mga tao, ang tagasunod at taga-utos. Para maalipin ang mga mamamayan, sabi nila, kailangan hawakan mo siya sa leeg. Kailangan ipamukha sa kanila ang kahinaan para huwag lumaban.”

– nakakainis!

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

About Miss_Pia

Neurotic Health-care Professional who enjoys sleeping, running, reading, introspecting, pole art and exploring new things and sometimes, places!
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s