Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal

Pinaikli ni Rosario P. Nem Singh

Nabasa ko na ang nobelang ito nung ako ay nasa hayskul, subalit napilitan lamang ako noon dahil parte lamang ito ng aming kurikula. Ngayon, naisipan ko uling basahin ito dahil, matapos kong muling basahin ang Mahabarata at Ramayana ng India, naisipan kong, bakit hindi ko rin aralin uli ang gawa ng pambansang bayani ng Pilipinas?

—-

Bumalik si Crisostomo Ibarra mula sa Europa, matapos nyang mag-aral doon. Plano niyang makapagtayo ng isang paaralan sa Pilipinas, kanyang bayang sinilangan at balikan ang dati niyang kasintahan. Subalit, ang simbahan at karamihan sa mga Espanyol ay tutol sa pagpasok sa paaralan ng mga Indio. Natatakot sila na kasabay ng karunungan ay ang pagsuway ng mga kabataan sa kanila.

Dahil sa pagmamalabis ng mga kinauukulan, naging mitsa ang pagbabalik ni Ibarra para idaos ang simula ng paglaban ng mga Indio. Isa sa mga kasabwat ay si Elias, na mangilan ding beses isinalba ang buhay ni Ibarra. Napagkamalan ding kasabwat si Ibarra sa pag-aalsa kaya hinahabol din ito ng mga gwardya sibil. Natapos ang nobela na ang kasintahan ni Ibarra na si Maria Clara ay nagmadre sa pag aakalang patay na ang kasintahan, ngunit sa tulong ni Elias, nakatakas ang binata.

Muli ko ring babalikan ang EL FIlibusterismo para sa pagpapatuloy ng istorya ni Ibarra…

Ito ang mga paborito kong linya sa nobela.

“Napansin kong ang kaunlaran at karalitaan ng mga mamamayan ay katimbang ng tinatanggap nilang kalayaan o kawalan nito.” Pg 14

“Kung may pagkakataon kang mangibang bansa, humayo ka at paunlarin ang sarili. Sa pagbabalik gabayan ang mga kababayan mo. Kailangan nilang sumulong. Kailangan nilang umunlad. “ pg 32

“Hindi ko ito isinusulat para sa kasalukuyan kundi para sa henerasyong darating. Kung mababasa ng mga awtoridad ang mga aklat na isinusulat ko, tiyak na susunugin nila ang mga ito. Pero ang mga henerasyong darating na siyang magsusuri sa mga simbolo ko ay matatalinong henerasyong magkakaisa sa pagsasabing “hindi lahat ay mahimbing na natulog sa gabi ng aming mga ninuno.” pg 97

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

About Miss_Pia

Neurotic Health-care Professional who enjoys sleeping, running, reading, introspecting, pole art and exploring new things and sometimes, places!
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s