Napakaganda ng dalampasigan sa Nasugbu, Batangas. Samahan pa ng nakabibighaning paglubog ng araw. Mapapabuntong hininga ka sa ganda ng tanawin sa harapan mo. Mainit ang panahon, kaya naman dali-dali kang mapapatakbo sa tubig….
Subalit, ano ito? May sumasabit sa hita mo. Akala mo ay dikya. HINDE….BASURA….may mga basura sa tubig nang gabing iyon. Mapapabuntong hininga ka uli…ngayon ay dahil sa pagkainis!
Nakakainis. Anu ba tayo? Ang dami daming pwedeng pagtapunan bakit hinde pa sa basurahan itapon ang mga basura natin? Binabalahura natin ang dapat sana’y ituring nating regalo ng Maykapal! Nakikitira na nga lang tayo at nanghihiram sa Mundo, sinisira pa natin ito!
Naiinis ako! Bago sisihin ang gobyerno sa mga pag-baha at epidemya, tumingin muna tayo sa ating sarili, at magtanong, “Ginawa ko ba ang parte ko sa pag-aalaga ng Mundo? Tinapon ko ba ang basura ko sa tamang basurahan?” HAY. TAO nga naman, tinaguriang may isip…hindi ginagamit!