Sino na lang ang magdadala sa kin sa ER kung aksidenteng mahiwa uli ang daliri ko ng delata o sa hindi maipaliwanag na dahilan, mabasag ang salamin sa CR at mahulog ang pirapirasong salamin sa kamay ko?
Sino na lang magpapaalala sa akin na nangangamoy sunog ang buong bahay dahil ang sinaing ko ay muli na namang ma-overcook?
Sino na lang ang dadamay sa akin kung makita ko sa FB na ang lalaking dati kong minahal ay mag juwa na, ikakasal na, magkakaanak na? Sino?
Sino na lang ang magsasabi sa akin na mas bagay sa akin ang maiksing buhok kesa mahaba o mukha nang bahay ng bubuyog ang mukha ko dahil sa dami ng tagihawat ko, paalala na alagan ko ang aking sarili?
Sino na lang ang pipilit sa aking kumain ng gulay, bawasan ang tsokolate, junk food at higit sa lahat kumain ng agahan dahil ito ang pinakaimportanteng “meal of the day”?
Sino na lang ang magpapaalala sa kin na lahat ng hirap at sakit, may katapusan din?
Sino na lang ang kakain ng niluto ko, lalong lalo na, ang mga inimbento kong putahe?
Sino na lang ang magtuturo sa akin ng tamang daan lalo na kung ang lalaking pumuporma sa akin, na natitipuhan ko na rin ay may juwa na pala?
Sino na lang ang makakasama kong kaawaan si Kc Conception habang umiiyak sa telebisyon dahil sa hinde nya maipaliwanag na dahilan ukol kay Piolo Pascual?
Sino na lang ang kasama kong maliligaw at maguudyok sa akin na kainin na ang pride at magtanong na lang kung paano makakarating sa patutunguhan?
Sino ang magpapaalala sa kin na pigilan ko ang emosyon ko dahil nagmumukha na naman akong kamatis sa kapulahan dahil nahiya ako o nakita ko ang crush ko?
Sino na lang magsusuksok sa kukote ko na binigyan ako ng Panginoon ng mga talento na dapat kong pagyamanin, subalit hinde ko ito ginagawa?
Sino nalang kakatukin ko kung sa gitna ng gabi, bigla kong nalaman na inaccept ng crush ko ang friend request ko sa Facebook?
Sino na lang ang mag-aalala kung alas-2 na nang hapon ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto or gabi na ay hindi pa ako umuuwe ng bahay?
Sino na lang ang kasama kong maglalabas ng sama ng loob dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lovelife?
Sino na lang ang ilalagay ko sa emergency contact ko, tuwing tatakbo ako sa mga marathon?
Sila…sila rin ang mga taong naguudyok sa akin na palaguin ko ang aking sarili…yapusin at halikan ang biyayang dumating…harapin ang takot…at sumabay ng walang pagaalinlangan sa daloy ng buhay…sila rin ang mga kaibigang nagsasabi sa akin na kaya ko ang kahit anong pagsubok na darating sa akin….
Kung ako man ay matutuloy sa panibagong pahina ng istorya ng buhay ko, sila ang lagi kong maalala, sila ang aking mami-miss….hindi man kami parepareho ng magulang, itinuturing kong mga kapatid…..wala man akong boyfriend my gelprens naman ako….hayssss