Sa bahay, di mapakali ang dalawang magkaibigan aawait kasi sila ngaun sa isang kasal. Sila at dalawa pa nilang kagrupo. Unang beses nila itong gagawin kaya’t kabado ang dalawa. Noong araw ay nakaawit na ang isa sa kanila sa isang kasal subalit iyon ay lubhang may katagalan na.
Umaawit sila pero sa di malamang kadahilanan, ang dating malakas na boses na dati ay parang naging ipis sa liit. Lumabas na mahina at hindi kontrolado ang kanilang pag-awit. Naisip ng magkaibigan, mabuti dahil ito ay tapos na.
Nagmamadaling umuwe ang lahat dahil ang taga-tugtog ng organ ay may susunod pang lakad. Kahit na sila’y inimbita sa kainan pagkatapos ng selebrasyon, di na nila ito nagawang puntahan dahil dito. Gutom na gutom ang isa.
Pagkauwe ng bahay, dali dali siyang nagbukas ng delata. Nanginginig sa gutom, minadali ang pagbubukas ng delata na pawang ayaw pang magpabukas. Kinamay nya ang pagbukas.
Talsikan ang dugo mula sa kanyan daliri. Animo’y talon sa dami ng dugo, nagkalat sa kabuan ng kusina. Sumigaw cya para humingi ng tulong;
“Panginoon ko, (OMG) ate J….”
Mangilan-ngilang beses pa cya sumigaw bago dumating ang kaibigang tinawag. Pagkakita ng kaibigan sa sahig na parang naliligo sa dugo, di ito makapasok. Napasigaw rin para tawagin ang isa pa nilang kaibigan habang ang naaksindente ay patuloy na hinuhugasan ang daliri nyang patuloy pa ring nagdurugo.
“G….”
Kalmadong pumasok ang huli.Tiningnan ang sugat.
“Maliit lang pala”
Lumabas muli para kumuha ng isang bagay na makakatulong para sa pagkontrol ng pagdugo.
Tanong ni J “buo pa ba?”
Sabi ng may sugat, “di ko maramdaman, pahinging yelo.”
Para sana makatulong sa pag kontrol ng dugo.
Dumating si G, may dalang “napkin”.
Paglapit ni G, nagdidilim na ang paningin ng naaksidente. Una’y kulay berde ang paningin nya, habang unti unting lalong nagdidilim. Nanghihina na siya animo’y hihimatayin pero hinde. Nararamdaman nya ang pintig ng kanyang puso, mabagal…
“wala akong Makita.”
Lalong nataranta si J. Si G naman ay kalmadong nag suswestyon kung anu ang gagawin.
“Hinga ka lang. J, tawag ka na ng taksi.”
“hah? Anung numero, tatawag na ba kong ambulansya?”
Tumawag pa si G ng lalaki ,si C, na maaring makatulong sa pagbuhat sa walang makitang kaibigan.
Agad namang nakarating si C. Pag pasok ni C, kulay berde na ulit ang paningin ng naaksidente. Bumubuti na dahil unti unti nang nagbabalik ang kanyang paningin. Ilang minuto pa ay nagbalik na sa normal na kulay ang paningin nya.
Nagpasalamat ang tatlong magkakaibigan kay C sa madaliang pagresponde sa kanilang tawag.
Napagdesisyuhan ng tatlo na pumunta na lang sa malapit na klinik para ipasilip kung nangangailangan ng tahi ang sugat nya at para na rin ma”injection-nan” ng pangkontra sa tetano. Nagpunta sila sa 4 na klinika malapit sa kanilang bahay. Dalawa duon ay sarado na, ang dalawa ay hindi raw nagtatahi. Sinabi ng mga tao sa klinika na magpunta na lang sa malapit na ospital (a&e) para matahi ang sugat. Iyon naman ang ginawa ng tatlo. Napaka maalalahanin pa ni G, ibinili pa nya ang may sugat ng tinapay dahil nga alam nya na gutom ang dahilan ng aksinteng ito.
Pag pasok sa ospital, sinabi ng tao doon na isa lamang ang maaring sumama sa loob. Si J ang sumama sa may sugat. Habang si G ay umuwi na.
Sa loob, mababait (at gwapo) naman ang mga manggagamot na tumingin sa may sugat. Tinahi ito nang matiwasay, nainjectionan at kalmado silang nakauwe ng bahay.
Marami sana silang planong gawin ng araw na iyon, subalit walang naisakaturapan sa kadahilanang may isang babaeng nagutom ng sobra!
Ang babaeng nagutom ng sobra ay walang iba kungdi ako…at nagapapaSALAMAT AKO sa dalawang kaibigan ko na di ako iniwan habang parang talon ang pag-agos ng dugo ko sa daliri. Muli, maraming SALAMAT!=)