Sa isang maliit na opisina sa loob ng isang ospital, may pagtatalong nagaganap. Ang pinuno at isang empleyado ay nagsasagutan,
Umpisa pa lamang ay napagkasunduan na, na ang opisina ay hinde tatanggap ng mga pasyente na wala sa pang-araw araw na listahan. Ang pinuno ang nagdesisyon nito, sinabi sa pagpupulong kaya naman ang mga empleyado ay mahigpit na ipinatutupad ito. “Bawal tumaggap ng wala sa listahan, maliban na lamang kung ito ay non-resident na wala ng ibang panahon para gawin ang procedure kungdi ang araw na iyon lamang.”
Sabi ng pinuno:
“May tinanggap akong pasyente galing sa ibang opisina.”
Nagpanting ang tenga ng isang empleyado. Pabalang nyang sinagot ang pinuno.
“Tinanggihan ko na iyan kanina. Akala ko ba, hinde tayo tatanggap ng wala sa listahan, maliban na lamang kung ito ay non-resident?”
Sabi ng pinuno; “Kung ayaw mong gawin, ako ang gagawa.”
Sabi ng empleyado, “Bakit hindi natin sundin kung anu na ang napagusapan dati pa. Palagi na lang kapag kami ang tinatanong, para kaming kontrabida na tumatanggi, pag sayo nagtanong, ikaw ang mabait na tatanggap. Kami masama, ikaw anghel. Hinde parepareho ang sinsabi natin.”
Sabi ng pinuno “E di sabihin nyong lahat na hinde pwede, pero dahil ako ang pinuno, ako ang pwedeng tumanggap.”
Galit na galit ang empleyado;
“Ang problema, ay hinde sa pagtanggap o hinde. Ang isyu dito ay iba iba tayo ng sinsabi. Sa iyo pwede ang bagay na napagkasunduan na, na hinde dapat pwede. Sa susunod, kung may magtatanong sa amin, sasabihin na lamang namin intayin ka at sa’yo magtanong.”
Lumakad palayo ang pinuno.
Isang katrabaho na nakakita sa pangyayari ang umawat sa galit na galit nang empleyado.