Nagpunta ako roon dahil napagdesisyunan ko nang magpahaba ng buhok kaya ang unang hakbang para magmukang kaaya aya naman nang kaunti ang buhok kong ubod ng kulot at dry, ay magpa- cellophane..
Pilipino ang parlorista. Matiwasay namang ginawa ni “ate” ang proseso. Nang matatapos na kami, tinanong ko cya;
“Ate ok lang bang mag-wax kahit naka-cellophane ang buhok?”
Sabi ni ate;
“Ay oo. Ok lang i-wash yan.”
Lumapit ako ng konti, sinabi ko,
“Ate, wax po”
Sabi nya, “ahhhhhhh Wex (overly slang accent)…yes ok lang mag-wex kahit araw araw pa.”
Natawa na lang ako sa sarili ko, kulang pa pala na “waex” ang pagkasabi ko sa wax, dapat pala “wex” para maintindihan ng isang ring Piipino. O well…
napadaan ako sa iloilo salon sa lucky plaza nung nagpadala ako ng pera sa pinas nahikayat ako ng isang babaeng pinay na nagttrabaho dun na subukan ko daw ang kanilang serbisyo sa pagcellophane, natanong ko na din kung magkano pag pa digital perm since un ung trending hairstyle ngaun at prenesyohan ako ng Sgd80 with treatment, at dahil isang babaeng pinoy lang ang nakaduty na gumagawa at kasalukuyang my customer pinapabalik nlng ako after 2hrs. Pagbalik ko biglang binago ang presyo ung presyong Sgd80 with treatment naging Sgd120 without treatment para sa digital perm na gsto ko,kesyo nagkamali dw ng bigay ng presyo Sgd80 kesyo ung presyong sgd80 ay sa traditional perm. naintindihan kna man dahil medyo kamahalan nga sa market and digital perm. so pinili ko ung traditional perm,since mura naingganyo na ako ng tuluyan. ang traditional perm pala na serbisyo nila ay umabot lang na 30 to 45mins para sa presyong Sgd80 at matapos ang 45mins na nakababad sa gamot ang buhok ko wala dn nmn pala etong treatment which is and sabi ni ate kasama na dw ung treatment napaisip tuloy ako kung ung treatment na cnasbi nia ay hinalo nia doon sa gamot na nilagay nia sa pangkulot. after 1 week ang buhok kung curly curly na iniexpect ko ayy naging kinky hair na parang nakuryente and parang alambri sa tigas dahil sobrang dry. hindi ko na din naisipan pang bumalik sa bulok na serbisyo ng salon na un dahil sigurado nmn ako na hndi nila aakuin na cla gumawa nun eh pinoy paman dn basta kumita lang ng pera kht hndi magawa serbisyo ng maayos ok na! nagsisi tuloy ako at sa sobrang pagtitipid ko eh un pa napala ko sa mismong kapwa pinoy pa! Sa ngayon pinatreatment ko ung buhok ko sa chinese parlor na malapit sa office namen mahal nga pero excellent nmn sa serbisyo naibalik dn sa pagiging smooth and shiny ung buhok ko although buhag hag xa gawa ng palpak na serbisyo na ginawa ng pinoy salon na un sa Lucky plaza! ung pangalan pala ng parloristang un naalala ko ay si Grace nasa 40+ na ung edad na kala ko nga sya ung may ari dahil sa mga suot suot nyang mga ginto sa katawan hndi pala, kapag nkausap mo sya ang dami nyang flowering words na sinasabi syempre nga nmn para makauto ng customers.
Di ko isinulat ang entry na to para i-bash ang nasabbing salon. para sa kin, nakakatawa lang ang mga insedenteng gaya ng entry ko. Pero sa experience mo, pwedeng matuto ang iba, di lang sa salon na ito, pati na rin sa iba pang pang araw araw na pamimili o pagacquire ng serbisyo;
una, alamin ang eksaktong presyo at alamin ang inclusions ng presyon ito, para malinaw.
pangalawa, alamin,ang proseso at expected result, para di tayo magulat sa kalalabasan.
pangatlo, kahit saan lugar at kahit anong lahi, meron at meron mga aksidenteng gaya nito. im sure di naman nya gustong gawing mistulang alambre ang buhok mo, kaya ingat ingat na lang sa pagpili ng treatment o gamot na naayon o hiyang sa atin.
maraming salamat sa pag-share ng story mo. ayoko sanang i-approve kasi parang nnakakahiya rin kc pinagdiinan mo “pinoy” cya…pero naisip ko, pwedeng matuto ang iba sa experience mo, kaya ianprove ko na rin.
muli, maraming salamat sa sharing at pag daan sa journal ko..=)