Bakit ba napanaginipan na naman kita?

Lugar: Parke sa harapan ng isang gusali ng gubyerno

Nakaupo ako sa isang “bench” sa harapan ng isang gusaling puti at may mga “columns” sa harapan. Mistula itong gusali ng gubyerno. Kaya pala ako naroon ay dahil kukuha daw ako ng kasama sa bahay o “maid”. Sarado pa ang gusali kaya kinailangan kong mag intay sa labas.

Nang ito’y magbukas, umakyat ako sa pangalawang palapag. Kinausap ko ang “front desk officer” subalit sinabi nya sa kin na hinde daw duon ang gusali para sa pakay ko. Sa madaling salita, mali ako ng pinuntahan.

Lumabas ako at lumakad sa parke. Pumila sa isang mistulang maliit na “booth”. Habang nakapila, namalayan ko na nawawala ang bag ko na kulay “bronze”. Nataranta ako at naglakad sa isang lugar na may fountain. Nakita ko na may nakahilera na panay kamukha ng bag ko, pero pagmamay-ari ang mga ito ng isang pamilya. Inusisa ko isa isa, pero wala sa mga ito ang bag ko.

Dumating si BLUE, sinabi nya sa kin na naiwan ko sa parke ang bag ko. Duon sa harapan ng gusaling puti. Dali dali akong bumalik at natagpuan ko nga duon ang bag ko. Tuwang tuwa ako. Binalikan ko si BLUE sa loob ng isang lugar na parang “hall” ito.

May dalawang pila. Pumila ako kung saan siya nakapila. Bigla nyang sinabi na

“mas maanghang yung sa kabilang pila.” Pagkain pala ang pinipilahan naming.

 Sabi ko, “dito na lang ako.”

Ngumiti cya. Sumubo ako ng pagkaing iniabot sa akin. Habang nakatingin sa kanya at siya’y nakatingin at nakangiti sa akin,  nagising ako.

BITIN! Argh!

About Miss_Pia

Neurotic Health-care Professional who enjoys sleeping, running, reading, introspecting, pole art and exploring new things and sometimes, places!
This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s