May dalawang magkaibigan, pumipili ng cake para sa isa pa nilang kaibigan,
Friend 1: “Anung flavour meron kayo ngaun.”
Tindera: “Tsokolate, mangga at mocha.”
Friend 2: “anu sa tingin mo, friend 1?”
Friend 1: “Tingin ko, un mangga. Kc mejo health conscious un kaibigan natin, baka di nya magustuhan un tsokolate. Kung ako ang kakain, shempre tsokolate..pero dahil hindi naman ako, mangga na lang. Anu sa tingin mo?”
Friend 2: “Tingin ko tsokolate na lang.. Baka kasi ipamigay din nya yan sa mga tao sa kanila. Karamihan, ang tingin kong kakain tsokolate ang gusto.”
Friend 1: ”Sigurado ka?”
Friend 2: “Oo tsokolate.”
Friend 1: “Sige.”
Ibinigay niya ang bayad, at dinala ang cake sa kaibigan na may kaarawan ng araw na iyon.
Celebrant: “Di na kailangan ng cake, bat binilhan nyo pa ko?”
Friend 1: “Shempre importante ka, di lahat ng may birthday binibigyan namin ano..”
Natouch naman ang Celebrant. Kumanta ng happy birthday ang mga tao. Inihipan ni celebrant ang kandila. Hiniwa ang cake. Binigyan ng isa isang hiwa ang mga bisita, pagkatapos ay kumuha ng isang hiwa para sa sarili.
Kinain ng celebrant ang cake. Biglang sinabi, “ang tamis, baket kau bumili ng cake na ubod kapal ng tsokolate.sino bang pumili nito?”
Buong pagaakala ng lahat ay si Friend 1 ang bumili dahil cya ang nagbayad ng kabuuan pansamantala at nagpasimuno ng sorpresang ito. Hindi nila alam na c Friend 2 ang pumili ng flavour.
Sigaw ng lahat “si Friend 1”.
Si Friend 1 tumingin kay Friend 2. Si Friend 2, walang sinabi, hindi umimik at ngumiti rin lang.
Si Friend 1, hindi na lang nagsalita subalit bahagyang nadismaya. Sa isip nya. “not again!”