Hindi ko alam kung baket pero napanaginipan ko na naman ang hinahangaan kong local! Ilang buwan na ang nakalipas simula ng huli ko siyang makita. Eto ang ikalawang bahagi ng panaginip ko nung byernes. Kagabi o kaninang umaga ata, kasama na naman cya sa panaginip ko.
Ganito ang nangyari;
May pa’contest ‘ daw kaming sinalihan. Kailangan pagpresent ng isang bagay. Siya ay nagpepresent tungkol sa isang malalim na paksa, hindi ko na maalala kung anu iyon. Ang mga kagrupo ko ay mga taong hinde ko kilala. Hinde nila ko sinabihan kung anu ba ang gagawin namin. Kung baga, ‘on the spot’ ang magiging presentasyon naming. Di tulad ng nipresent ng hinahangaan ko, kami ay parang ‘musical’ aarte habang kumakanta. May kagrupo ako na kakanta ng solo pero habang nasa harapan cya, nakalimutan nya ang tono at mukang nahihirapang alalahanin kung paano ito. Ang kanta na iyon ay ang “o god you searched me” ang paborito kong awitin sa simbahan sa totoong buhay.Dali dali akong sumaklolo. Ako raw ang kumanta ng dapat awit nya. At natapos ang aming pagtatanghal. Lumapit ang hinahangaan ko at kinausap ako. Nahulog ang isa kong ngipin habang kausap cya. Idinikit ko ng glue at dumikit naman. At duon na nagwakas. Nagising na naman ako ng masama ang loob dahil sa nahulog kong ngipin!