Ang istorya ng libro ay may napaka-simpleng tema. Ito ay tungkol sa isang lalaking naghanap ng trabaho, ininterview, nageksamen, natanggap, umuwing masaya, namahinga sa bahay at naabang ng kinabuksan para pumasok sa bagong trabaho.
Simpleng istorya pero ang pagkakalahad ay nakakatawa. Nagdalawang isip nga akong basahin ang libro sa mga pampublikong lugar dahil natatakot ako na baka mapagkamalan akong sinto sinto. Halos sa kabuuan ng libro at tawa ako ng tawa.
Ang mga paglalarawan sa mga kaganapan ay may halong katotohonan at mga isyung panlipunan pero ang paghahayag ay sa paraang nakakakiliti. Wala akong mapiling paborito kong linya sa kadahilanang buong libro akong nakangisi pero ang pinakamaikiling linya na nagpatawa sa akin ay….
‘the family that eats, talks, and watches the television together: Maliit ang bahay’ – eros atalia