tulog na…..


ang larawan ay kuha mula sa palabas na Songs of the Sea sa Sentosa noong 15 Hunyo 2012

——————-
Buong linggo na ako nananaginip ng masama. Sa nakalipas na 4 na gabi, gabi gabi akong nagigising ng malakas ang kabog ng dibdib at naiiyak. Napapanaginipan ko ang ex ko!Hinde malinaw at di ko maalala ang mga detalye pero karaniwan itong tungkol sa kanya. Napapaisip ako. Ang tagal na pero ganito pa rin ang epekto nya sa kin!

Kagabi, tungkol sa ibang tao ang panaginip ko. Pero misulang bangungot pa rin ito. Nitong mga nakalipas na buwan, mayroon akong hinahangaang local dito. Ito ang dahilan kung bakit ang kwentong ito ay isinulat ko ng Tagalog. Baka mapadpad cya sa pahina na ito (umasa pa daw ako). Maibalik ang kwento sa panaginip ko kagabi. Itong hinahangaang kong ito ay iba ang pananampalataya. Mahilig siyang bumyahe at kahapon, nag-iwan siya ng mensahe na gusto nyang pumunta sa bansa natin. Ang saya ko. Kinilig syempre. Pinipigilan ko ang sarili ko na sabihin na gusto ko syang samahan. Haha. Pigil na pigil, unang una, dahil ayaw ko magmistulang atat (konti lang) pangalawa, nagdadalawang isip nga ako magsimula ng mga bagay bagay na komplikado! Sabi ng kasama ko sa trabaho, pagisipan kong mabuti bago ko simulan makipaglandian! Nyahaha

Bumalik tayo sa panaginip. Napanagipan ko na pumunta nga daw siya sa pilipinas at sinamahan ko syang mag-ikot. Isang araw ng aming pag-gala, namamahinga kami sa harapan ng isang gusali na may higanteng krus sa taas. Hinde ito simbahan, parang mall ang tingin ko sa panaginip, di ko nga rin lang mawari kung bakit may krus ang mall na ito. Habang namamahinga kami, bumagsak ang higanteng krus sa parking lot. Bumagsak ito diretso sa aming sasakyan. Yupi ang sasakyan namin, durog na durog at di na mamukaan. Walang tao sa loob. Wala namang namatay pero nagising ako sa pangyayaring ito sa aking panaginip. Kabang kaba at pawisan pa!

Naisip ko tuloy, anung ibig sabihin nun? Ito ba ay ang paraan ng Panginoon na pagsabihan ako na wag nang ituloy kung anu mang binabalak ko? Hay, natakot ako sa totoo lang…..gusto ko cya, pero talagang magkaiba kami! So how?

About Miss_Pia

Neurotic Health-care Professional who enjoys sleeping, running, reading, introspecting, pole art and exploring new things and sometimes, places!
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s