Baket kailangan munang saktan
Bago ipagkaloob ang simpleng kaigayahan?
Baket kailangan puso’y parusahan
Bago pagmamahal iyong pagbigyan?
Ginagawa mo lang bang pambawi
Sa mga sakit na ikaw ang sanhi
Ang pagpapakita ng pagmamahal
Sa twing ika’y may pagkakamali
Kahit ilang beses mo kong saktan
Ikaw pa rin sa puso ko’y laman
Kahit ilang beses mo kong parusahan
Patuloy pa ring ibibigay ang kapatawaran
Subalit puso koy napapagod din
Patuloy na sakit di na kayang sikmurain
Pagtatakip sa katotohanan mahirap ng gawin
Sobra ng nasaktan parang di ko na kaya pang tanggapin.
Sana ako’y minahal mo rin
Dahil sa puso ko’y ikaw naninirahan pa rin
Sana ko’y isama sa itong mga pangarap
At pagbibigay prioridad mo ay ipadama mo rin.
——————————————————
I just saw a crumpled paper in my wallet. Surprisingly, I saw this poem scribbled in a scrap paper. wrote this long time ago. Probably as one of my coping strategies to nurse my wounded heart…and ego..hahaha